![]() ![]() Kailangan lang natin ng sapat na oras para magbasa ng nobela. Pero hindi natin kailangang magpatiwakal para maapuhap ang katarungang nakalingid sa kukote. ![]() Isang kapangyarihang higit sa ating lahat.Īng nobela ay may lalim, may talim at sentido para ipahayag ang katotohanang nakakubli sa bangin. Nasa paligid lang ang may kapangyarihang pumaslang sa katinuan ng sambayanan. Hindi natin hawak ang puwersa ng lipunang gumugupo sa ating kaluluwa. ![]() Binubuksan nito ang bangin sa ilalim ng ating mga paa, dinadala tayo sa mga sitwasyong wala sa atin ang kontrol. Ang nobela ay isa lamang sagunson ng mga pangyayaring idinidikta ng panahon. Ngunit ang nobela ay isa lamang babasahin, isang espasyo ng pagkukuwento ng malagim na digmaan laban sa dangal at pagkatao ng mga disenteng tao. Natalo ang diyablo ng panahon nanalo ang mambabasang matindi ang kapit. Hindi na kailangang hintayin ang desisyon ng ICC sa krimen ng ubusang lahi. Kung ang nobela ang referendum ng administrasyong Duterte, may natalo na. Mabubuhay sa takot habang kinokoronahan ang diyablo. , magdadasal sa Panginoon, hihingi ng hustisya sa langit. Pinananagot ang mga naghahabol ng kasagutan. Dugo't luha ang langis ng giyerang minamakina. Walang paglagyan ang bukal ng pera-palit-dugo. Lunod na lunod sa saya, lasing na lasing sa ligaya. Kinokoronahan ang demonyo sa panahong ito at alam nilang nasa panig nila ang marami. Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa ni Ronaldo Vivo Jr. ![]()
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorWrite something about yourself. No need to be fancy, just an overview. ArchivesCategories |